Pero di pa tapos ang laban.
Kanina, maaga akong nagising. Dumerecho sa presinto para bumoto. Dala-dala ang kamera, para kung may makitang katiwalian, ay pwedeng kuhanan. Pero mapayapa duon sa barangay namin. Umuwi ako at lumabas kami ng aking kapatid at mga pamangkin. Nangangamba sa pwedeng kahinatnan ng eleksiyon. Pero, life goes on, 'ika nga. Nanood, nagulat, natawa at natuwa sa Van Helsing. Kumain sa paboritong Vietnamese resto. Umuwi at nagtrabaho.
Ako ngayo'y nakatutok sa ABS-CBN quick count. Nangunguna ang aktor. Halos kumukulelat ang aking ibinoto. Ako'y medyo nalungkot very di nawawalan ng pag-asa. Siguro nga ay di pa handa ang bansa natin sa isang lider na katulad ni Bro. Eddie.
Pero kahit sino man po ang mahalal na pangulo, at ako'y nananalangin na sana po ay hindi ang aktor, sana po ay patuloy na mapukaw ang mga damdamin natin, mga kabababayan. Sana po ay patuloy po nating ipaglaban ang ating bansang sinilangan.
Tapos na po ang halalan pero di pa po tapos at ang pinaglalaban.
Labels: elections